ilarawan ang mga tao sa    panahon ng paleolitiko???


Sagot :

Paleolitiko o panahon ng lumang bato, ito ang pinakamatagal na yugto sa kasaysayan ng sangkatauhan. Binubuo ito ng Lower, Middle at Upper Paleolithic Period. Sa Lower Paleolithic, ang Homo Habilis o able man ang unang species ng hominid na marunong gumawa ng kasangkapang bato. Sinundan sila ng Homo erectus na mayroong mas higit na kakayahan na gumawa ng mga kagamitang bato. Sa Middle Paleolithic, umusbong ang pagiging artistiko ng mga tao sa pagpipinta sa katawan at pagguhit sa bato. Sa Upper Paleolithic, nagkaroon ang mga unang pamayanan sa anyong campsite at kadalasang mahahanap sa mga lambak. Lumitaw rin sa panahong ito ang komplikadong pagpapangkat-pangkat sa lipunan.