Ang dula ay isang uri ng panitikan.
Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal
ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula ay ang
paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan. Ang mga taong dalubhasa sa larangan
ng pagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay tinatawag na mga mandudula,
dramatista, o dramaturgo. Samantalang ang melodrama ay isang musikal na dula.
Ito ay malungkot sa simula ngunit nagiging masaya ang pagwawakas.