Sagot :
Ang Pagunlad na Dulot ng Ginto sa Hilagang Asya
Maraming mga mata ang nasisilaw sa kagandahan at pagkinang ng ginto lalo na't kung ito ay naging isang ganap na alahas. Mula noon hanggang ngayon, malakas ang industriya ng ginto sapagkat patuloy ang kagustuhan ng mga maraming mamimili sa pagbili ng ginto kung kaya't nagpapatuloy ang produksyon nito.
Nakilala ang isang bahagi ng Asya sa isa sa pinakamalaking produksyon at pagmimina ng ginto, ito ay ang hilagang bahagi. Karamihan sa hanap-buhay ng ilang mamamayan rito ay ang pagmimina. Ito ay dulot ng pagkakaroon ng mataas na temperatura sa malaking bahagi ng rehiyon na ito, gayundin ang pagkakaroon ng maraming bulubundukin kung saan nakukuha ang karamihan ng kanilang mga yamang mineral.
Sa pagunlad ng produksyon at pagmimina ng ginto sa ilan sa mga bansang bahagi ng hilagang Asya ay dahil sa pagkakaroon nito ng tuyong klima na kahit na anong tindi ng sikat ng araw ay patyloy pa rin ang paglamig sa mga lugar na to. Ito ay nagdudulot rin ng halos malaking bahagi ng kalupaan na walang mabuhay na halaman dahil sa katangian ng lupan rito. Hindi man mayaman ang bahaging ito ng kontinente sa likas na yaman na bunga ng mga halaman at punong natubo sa mga lupain, bagkos mas mataas ang naging pagunald nila sapagkat nabiyayaan sila ng kayamang mineral katulad na lamang ng ginto.
#BetterWithBrainly
Pinagmulan ng yamang mineral: https://brainly.ph/question/1592771
Mga bansang kabilang sa hilagang Asya: https://brainly.ph/question/170845