Ano ang kahulugan ng kapatagan?

Sagot :

Ang Kapatagan ay malawak, mababa at patag na anyong lupa. Dito karaniwang itinatayo ang tirahan ng mga tao. Gayundin ang mga gusali, pabrika, at mga paaralan. Mainam na sakahan ang kapatagan. Dito inaani ang mga pagkaing buhat sa halaman. Ang malalawak na kapatagan sa ating bansa ay nasa Gitnang Luzon, Bicol, at Cotabato at Iloilo. Naririto rin ang malalawak na sakahan.

Ang kapatagan ay sentro ng populasyon. Dito matatagpuan ang mga lungsod at bayan sa ating bansa. Ang Metro Manila, Davao at iba pang mga lungsod at bayan ay pawang nasa kapatagan.