halimbawa ng tanaga at dalit


Sagot :

Ano ang tanaga?

Ang tanaga ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng mga matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan.

 

May estruktura itong apat (4) na taludtod at pitong (7) pantig kada taludtod.

Isa ito sa mga may mahigpit na taludturan gaya ng haiku at tanka ng mga Hapon.

(Tingnan ang link na may kaugnayan: Ano ang Haiku at Tanaga ?  - https://brainly.ph/question/204060)


Narito ang isang halimbawa ng tanaga:

"KULTURA"

Angkinin natin ito

Yamang gaya ng ginto

Nakawi'y imposible

Iba 'pag kultura eh


Si Idelfonso Santos ay isa sa mga tanyag at kilalang manunulat na may mga isinulat na tanaga halimbawa, ang “Tag-Init”, “Palay”, at “Kabibe”.  

Marami pang ibang akda ang sumusulat ng mga tanaga.


Narito naman ang isang halimbawa ng tanaga na tungkol sa kalikasan:


“KALIKASAN”

Ganito nga ang hangin

Simoy na lalanghapin

Pilit panatilihin

Para sa buhay natin


(Tingnan ang 10 halimbawa ng tanaga dito - https://brainly.ph/question/92159)

 


Narito naman ang halimbawa ng tanaga tungkol sa pag-ibig:

“PAG-IBIG”

Balagtas ay sumulat

Hahamakin ang lahat

Masunod ka lamang at

'to'y Pag-ibig na tapat

***************************

 

Ano ang dalit at halimbawa nito?:

Ang dalít naman ay isang tula na maaaring mabuo sa isang saknong gaya ng tanága at diyóna.

Ito ay binubuo ng apat (4) na taludtod na may sukat na wawaluhin (8) ang bawat taludtod.

 

Ito ang isa sa dalawang pinakakilala at napakapopular na anyo ng matulaing pahayag sa buong Katagalugan.

 

Sa dalít ipinahahayag ng mga Tagalog ang kanilang matatayog na kaisipan at mabibigat na damdamin.

 

 

Narito ang isang mapagpatawang dalít noon (dalit halimbawa):

 

“Isda akong gagasapsap, 

Gagataliptip kalapad, 

Kaya nakikipagpusag, 

Ang kalaguyo’y apahap.”

 

 

Ang awit sa huwégo de prénda kung lamayan ay gumagamit ng anyong dalít, gaya sa sumusunod na koro:

 

“Sa Diyos natin ialay 

Kaluluwa ng namatay; 

Patawari’t kaawaan 

Sa nagawang kasalanan.”



(Para sa dagdag kaalaman, tingnan ang iba pang detalye dito: Ano ang Tanaga at Dalit? - https://brainly.ph/question/22988)

 

*****************************************

Ang pagkakaparehas ng dalawa ay mayroon itong mga mahigpit na taludturan na kailangang sundin.  Ginagamitan sila parehas ng mga tayutay upang mas malalim, mas masining at mas malikhain.  Ang tanaga at ang dalit ay dalawa lamang sa mga uri ng tula ng mga Pilipino.

Ang pagsulat ng mga ganitong tula ay maaaring mahirap para sa iba. Dahil nangangailangan ito kadalasan ng magagandang sukat at tugma upang maging angat ang tula. 

Maaari ka rin namang gumawa ng tula na ikaw rin mismo ang gumawa ng sariling taludturan, sukat at mga tugma.  Mayroon din malayang taludturan.  Tandaan na hindi sukatan ang pagiging magaling sa tanaga at dalit ang kahusayan sa pagtula. 


(May mga mababasa ring dagdag kaalaman sa link na ito: Ano ang tanaga at dalit - https://brainly.ph/question/579597)