Ang di-berbal na komunikasyon ay ang komunikasyong ginagawa o isinasagawa na hindi ginagamitan ng salita o ng sulat.
Maraming uri ng di-berbal na komunikasyon. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Mga galaw ng katawan o ang tinatawag na “kinesics”. Ang mga halimbawa nito ay ang pagtango, paggalaw ng ulo at pagkumpas ng mga kamay.
2. Bikas, o ang paraan kung paano ka tumayo, umupo o kung paano mo ikinikilos ang iyong mga kamay o paa.
3. Pagtingin sa mata na nagpapakita kung gaano mo sinusukat ang pagtitiwala at ang pagiging mapagkakatiwalaan.
4. Pagiging malapit o ang tinatawag na “proxemics” na sumusukat sa antas ng pagiging malapit sa isa’t-isa
5. Ekspresyon ng mukha tulad ng pagngiti, pagsimangot o kaya ay ang paggalaw ng mga mata.
6. Pagbabago sa itsura tulad ng pagpapawis ng sobra kapag nininerbiyos.