Ang pagpapangkat ng mga tao sa Asya ay sa pamamagitan ng pagtukoy ng kanilang etnolinggwistikong pinagmulan. Ito ang pagtukoy sa pagkakapareho ng kultura, relihiyon at wika ng bawat grupo ng mga Asyano. Tinuturing na importante ang etnolinggwistikong batayan ng pagkakapangkat-pangkat ng mga Asyano dahil narin sa partikular na naging epekto ng wika at kultura sa pagunlad ng mga taong ito.