ano po ang kahulugan ng nagmumukmok sa pangungusap na nakaupong nagmumukmok

Sagot :

Kahulugan ng Nagmumukmok

Ang salitang nagmumukmok ay binubuo ng unlapi at salitang ugat na mukmok. Ang kahulugan nito ay nagtatampo o nagdadamdam. Ito ay tumutukoy sa pagpapakita ng sama ng loob at hindi pagkatuwa. Ang nakaupong nagmumukmok ay ang pananatili sa isang lugar na may kinikimkim na sama ng loob. Ito ang pananahimik at paglayo sa tao.

Mga Halimbawang Pangungusap

Ating gamitin ang salitang nagmumukmok sa pangungusap upang mas maunawaan ito. Narito ang ilang halimbawa:

  • Hindi nakasama si Ruby sa fieldtrip ng kanilang paaralan kaya naman nagmumukmok siya sa kanyang silid.

  • Nagmumukmok si Roger dahil hindi siya binilhan ng bagong laruan ng kanyang nanay.

  • Suyuin mo nga si Aurora. Maghapon na siyang nagmumukmok sa kanyang kama.

Kahulugan ng ilang malalim na salita:

https://brainly.ph/question/2752020

#LearnWithBrainly