Ang salitang eupemistiko ay nangangahulugan ng hindi direktang pagpapahayag ng bagay o saloobin dahil narin sa kultural o sosyolohikal na salik. Ang ilan sa mga ito ay ang mga bagay o salitang tinuturing na negatibo at hindi palasak.
Halimbawa, sa halip na patay ang salitang gamitin, ipinapalit ang mga salitang humayo, lumisan o nawala na.