Nililimitahan ng pamahalaan ang turismo at impluwensiyang banyaga dahil sa pinananatili nila ang tradisyunal na kultura ng bansa. Dahil sa mahigpit na pananatili ng pamahalaan sa kanilang kultura ay tinaguriang The Last Shangri-la ang bansa.
May dalawang katawagan sa mga damit ng Bhutanese(national dress): 'gho', para sa mga kalalakihan at 'kira', para sa mga kababaihan.Gumagamit din sila ng mga scarf: 'rachu' para sa mga babae at ang madalas nitong kulay ay pula, 'kabney' naman sa mga lalake. "Tsechus" ang tawag sa kanilang mga religious festivals.
Ang mga maskarang sayaw at dance dramas ay madalas ginagawa tuwing may festival. "Chaam" ang tawag sa sacred masked dances, ito ay madalas gawin tuwing may religious festivals.