Sagot :
Answer:
Kasingkahulugan ng Magaling
Ang salitang magaling ay binubuo ng unlaping ma- at salitang ugat na galing. Ang kasingkahulugan ng magaling ay ang sumusunod:
- mahusay
- matalino
- marunong
Ang salitang magaling ay tumutukoy sa katangian ng isang tao. Ito ay kadalasang ginagamit kung ang isang taong nilalarawan ay mahusay sa kahit anong larangan, matalino sa klase o marunong sa anumang gawain.
Explanation:
Mga Salitang Magkasingkahulugan
Ang mga salitang magkasingkahulugan ay tumutukoy sa mga iba ibang salita na nagpapahayag ng parehong kahulugan. Sa Ingles, ito ay synonym.
Mga Halimbawa ng Salitang Magkasingkahulugan
Narito ang ilang halimbawa ng mga magkasingkahulugan:
- marikit - maganda
- mabaho - masangsang
- bantog - tanyag
- bandila - watawat
- bunga - resulta
- dahan-dahan - hinay-hinay
- dayuhan - banyaga
- sanhi - dahilan
- hinto - tigil
- handog - alay
Mga salitang magkasingkahulugan at pati narin magkasalungat, alamin sa link:
https://brainly.ph/question/2513032
https://brainly.ph/question/2513044
#LetsStudy