1. Sa kagubatan, iwasang putulin ang mga matatagal at matatanda nang mga puno dahil tiyak ay maraming mga binhing nailuluwal ang mga ito. Kapag pumutol ay palitan ito agad ng bago.
2. Sa pangingisda, huliin lang ang mga may katamtamang laki ng isda. Iwasang huliin ang mga malalaki na at palaanaking uri dahil malaki ang papel nito sa pagpaparami ng kanilang populasyon.
3. Iwasan din ang paggamit ng dinamita, maski ang paggamit ng lambat kung saan ay parehong malaki at maliit ang nahuhuli. Kapag nakahuli ng maliliit, ibalik ito sa dagat o ilog.
4. Ang mga endangered species ay lalong ingatan at huwag huliin o katayin.
5. Sa Agrikultura, iwasang gumamit hanggat maaari ng mga pestisidyo at mga inorganikong pataba.
6. Magsagawa ng plano, at mga contingency plan sakaling may hindi maiiwasang trahedya sa kapaligiran tulad ng pagkatapon ng langis sa dagat, mga pagsabog ng nuclear at marami pang iba.
7. Tiyaking naiingatan ang ecological balance.