Ang duplo ay karaniwang itinatanghal sa ilalim ng isang temporaryong silungan sa harap ng tahanan ng yumao. Wala itong uri ngunit kalimitang inihihilera sa mga karagatan at balagtasan.
Dalawang hilera ng mga upuan ang nakaayos sa batalan kapag nagtatanghal ng duplo. Dito nakaupo, ang mga pangunahing karakter ng dula, ang villacas at villacos. Sa isa pang upuan sa gitna ng grupo nakaupo naman ang hari o ang duplero. Bago magsimula ang laro, ang mga karakter ay magbibilang upang ang bawat isa ay may nakalaan na numero.
Paano ba ang Duplo? :
1. Isa rin itong larong may paligsahan sa pagtula kaya maaari ring mauring tulang patnigan.
2. Ang mga lalaking kasali ay tinatawag na duplero at ang mga babae ay duplera.
3. Sila ay tinatawag na bilyako at bilyaka kapag naglalaro na.
4. Ang palmatorya ay isang tsinelas na ginagamit ng hari sa pagpalo sa palad ng sinumang nahatulang parusahan.
5. Ang parusa ay maaaring pagpapabigkas ng mahabang dasal para sa kaluluwa ng namatay.
6. Ang paksa ng pagtatalo ay tungkol sa nawawalang loro ng hari o kaya naman ay magsusumbong ang bilyako sapagkat hinamak ng isang bilyaka.
7. Ginaganap ito sa bakuran ng isang tahanan.
8. Tulad ng karagatan, ginaganap kapag may lamay o parangal sa isang namatay.
9. Nagpapatalas ng isip sapagkat ang pagmamatuwid ay daglian o impromptu.