ano ang kahulugan ng migrasyon


Sagot :

Ang migrasyon ay ang paglipat ng paninirahan ng tao sa mula sa isang pook papunta sa ibang lugar. Ang migrasyon ay maaaring panandalian o pang-matagalan, pansamantala o permanente. Ang migrasyon ay nangyayari dahil sa iba't ibang mga dahilan.  

Kahulugan ng Migrasyon

Narito ang ibig sabihin ng konsepto ng migrasyon:

  • Ang migrasyon ay tumutukoy sa paglipat ng tirahan ng tao mula sa isang teritoryong politikal papunta sa ibang teritoryong politikal o bansa.
  • Bilang karagdagang detalye, ang migrasyon ay maaaring panandalian o pang-matagalan, pansamantala o permanente.  

Dahilan ng Migrasyon

Ang migrasyon ay nangyayari dahil sa iba't ibang mga rason. Narito ang halimbawa ng apat na dahilan ng migrasyon:

  1. Mas malaki ang kita sa ibang bansa.  Ito ay ang pangunahing dahilan kung bakit patuloy ang pagdami ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa panahon ngayon.
  2. Mas ligtas sa ibang bansa. Isa sa mga pinakamalaking isyu ng Pilipinas ay ang kawalan ng kaligtasan. Dahil dito, nais ng mga Pilipino na lumipat sa ibang bansa na mas ligtas.
  3. Pagnanais na makasama ang mga kamag-anak o pamilya sa ibang bansa.
  4. Kagustuhang mag-aral sa ibang bansa upang makakuha ng mas maayos na edukasyon.

Iyan ang kahulugan ng migrasyon. Kung nais mo pang makapagbasa ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang mga links na maaari mong i-click:

  • Iba pang mga dahilan ng migrasyon: https://brainly.ph/question/862640
  • Iba pang kahulugan ng migrasyon: https://brainly.ph/question/433986
  • Ano nga ba ang mga kahalagahan ng mga Overseas Filipino Workers? https://brainly.ph/question/490124