Sagot :
Elemento ng Alamat
Ang alamat ay tumutukoy sa mga kwento na naglalahad ng pinagmulan ng iba't ibang bagay sa daigdig. Ito ay mga kwentong kamangha-mangha at nag-iiwan din ng aral sa mga mambabasa. Ang alamat ay binubuo ng pitong elemento. Ang sumusunod ay ang mga elemento nito:
- Tauhan
- Tagpuan
- Saglit na Kasiglahan
- Tunggalian
- Kasukdulan
- Kakalasan
- Katapusan
Kahulugan ng Mga Elemento ng Alamat
Upang maunawaan ang gampanin ng bawat elemento sa isang alamat, narito ang kahulugan ng mga ito:
- Tauhan - Ito ang mga gumaganap sa kwento. Ang mga tauhan ang nagbibigay buhay sa alamat.
- Tagpuan - Ito ay tumutukoy sa lugar at panahon na pinangyarihan ng mga aksyon sa kwento.
- Saglit na Kasiglahan - Ang elementong ito ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan sa suliranin.
- Tunggalian - Ito naman ang naglalahad ng pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa suliranin.
- Kasukdulan - Ang elementong ito ang naglalahad ng kahihinatnan sa pinaglalaban ng pangunahing tauhan sa alamat.
- Kakalasan - Ito ang unti-unting pagbaba ng mga tagpo sa kwento mula sa maigting na pangyayari.
- Katapusan - Ito ang naglalahad ng resolusyon ng kwento. Ang katapusan ng alamat ay maaaring masaya o malungkot.
Bahagi ng Alamat:
https://brainly.ph/question/54321
Mga Halimbawa ng Alamat:
https://brainly.ph/question/659016
#LearnWithBrainly