Sagot :
Solusyon sa korapsyon
- Ang mamamayan ay may mahalagang tungkulin na dapat gampanan upang mabawasan at tuluyang mawala ang katiwalian lalong-lalo na ang korupsyon narito ang mga maaring gawin:
1. Pagsasakatuparan ng mga proyekto ng pamahalaan sa wasto at tamang paraan sa pamamagitan ng pag check sa mga proyekto kung ito ba ay standard o sunstandard.
- May mga nagchechek ng mga proyekto na gawa ng pamahalaan ngunit dahil sa tinatawag na lagay system ay nananatiling tikom ang bibig ng taong nagcheck dahil nabigyan na siya ng pabor. Dapat ay may mga batas na magparusa sa ganitong sitwasyon. 2. Gawing polisiya ang mga paghihigpit sa mga pagmamay-ari nito katulad ng mga gasolina, sasakyan, office supplies. Kadalasang nagiging problema ng pamahalaan ang simpleng korupsyong ito.
- Dapat ay maingat ang pamahalaan kahit sa mga simpleng bagay na nabanggit. Marami ang nagnanakaw ng kahit sa simpleng paraan lamang. Na kung saan ang mga ito ay dapat mapunta sa mamamayan ngunit napunta lang sa iisang tao.
3. Nagkakaroon ng check and balance
- Malaking usapin ang katiwalian sa pamahalaan. Bagamat may mga nahuhuli, ang paglilimita sa partipasyon ng taumbayan sa mga gawain ng pamahalaan ay nakapag-aambag din rito.
4. Hotline na may direktang sumbungan sa pamahalaan ng mga katiwalian
- Kung ang pamahalaan ay mabilisang tumutugon sa mga sumbong ng mga mamamayan ay maaring maiwasan ang korupsyon.
5. Magkaroon ng batas na pagparusa sa mga nagnanakaw
- Dapat na maparusahan ang mga nagnanakaw. Sa Pilipinas ang mga mayayamang nasangkot sa kasong korupsyon ay nakukulong panandalian samantalang pagmahirap naman ay talagang napaparusahan.
- Kung kasali ang mga ordinaryong mamamayan, nababantayan ang kilos ng mga nasa pamahalaan at maaaring isumbong ang nakikitang mga anomalya. Sa parehong paraan, hindi rin puwedeng naiiwan ang mga mamaayang gumawa na lamang ng sarili nilang desisyon at kilos.
Paano ma iiwasan ang korupsyon
brainly.ph/question/2226274
Paano nakakaapekto ang korupsyon sa tao brainly/question/556248
Bilang mag aaral ano ang iyong mga hakbang para maiwasan ang korupsyon
brainly.ph/question/2181314
#LEARNWITHBRAINLY