Ano po ang kahulugan ng salitang-ugat?


Sagot :

Kahulugan ng Salitang-Ugat

Ang salitang-ugat ay tumutukoy sa mga salitang buo ang kilos. Ito ay nakapag-iisa at kahit nag-iisa ay nakapaglalahad ng isang ideya. Ito rin ang mga salita na nilalagyan ng mga panlapi upang makabuo ng ibang salita. Narito ang ilang halimbawa ng salitang-ugat:

  • sulat
  • sayaw
  • awit
  • lakad
  • basa
  • laba
  • hirap
  • takbo
  • buhat
  • bagal
  • bilis
  • bango
  • kahon

Ano ang panlapi?

Ang panlapi ay ang kataga na ikinakabit o idinaragdag sa salitang-ugat. Ito ay maiikli lamang at hindi nakapag-iisa. Ang panlapi ay may limang uri. Ang mga uri nito ay ayon sa posisyon ng pagkakadagdag sa salita. Alamin sa ibaba ang iba't ibang uri at halimbawa nito.

1. Unlapi - Ito ang panlapi na matatagpuan sa unahan ng salitang-ugat. Ang ilang halimbawa nito ay mag-, pag-, nag-, ma- at pa-.

  • maglakad
  • pagsayaw
  • naglaba
  • mabilis
  • pabuhat

2. Gitlapi - Ito naman ay idinaragdag sa loob ng salita. Ilang halimbawa nito ay -um- at -in-.

  • sumulat
  • kinain
  • tumakbo
  • sinagot

3. Hulapi - Ito ay ikinakabit sa hulihan ng salita. Ilang halimbawa nito ay -in, -an, -hin at -han.

  • basahin
  • kantahan
  • aralin
  • talaan

4. Kabilaan - Ito naman ay tumutukoy sa panlapi na ikinakabit sa unahan at hulihan ng salita.

  • nag-awitan
  • magbatuhan
  • pagsabihan

5. Laguhan - Ang panlapi naman ay matatagpuan sa unahan, gitna at hulihan ng salitang-ugat.

  • pagsumikapan
  • ipagsumigawan

Karagdagang halimbawa ng mga uri ng panlapi:

https://brainly.ph/question/440957

#LearnWithBrainly