ano ang mga elemento ng kabutihang panlahat?

Sagot :

Elemento ng Kabutihang Panlahat

Ang kabutihang panlahat ay tumutukoy sa katuwiran ng lahat ng bagay. Sangkot ang mga mamamayan nito anupat kahit may pagkakaiba sa interes at kalagayan ay nasasapatan ng matataas na karunungan at moral na pamantayan. Ito ay nakatatas na uri ng pagtingin sa kalinga at disiplina yamang nagbibigay ito kapuwa ng proteksyon at pangangailangan sa mamamayan nito. Nahahati sa tatlo ang elemento ang kabutihang panlahat. Ito ay ang sumusunod:

  1. Ang paggalang sa bawat indibiduwal na tao.
  2. Ang tawag ng katarungan
  3. Pagkakaroon ng kapayapaan

Ang Paggalang sa Bawat Indibiduwal na Tao

Sa pagpapakita nito ay mapapalaganap natin ang kabutihan panlahat para sa bawat isa. Inaalis nito ang diskrimansyon at itinataguyod ang pagkakapantay-pantay. Inaasikaso nito ang mga bagay-bagay mula sa isyu sa mayorya at minorya.

Iba pang pag-uuri ng mamamayan ay ang mga sumusunod:

  • lahi o pamilyang pinagmulan
  • edad
  • kasarian
  • kalagayan sa pinansiyal
  • relihiyon
  • edukasyon
  • wika

Ang Tawag ng Katarungan

Ito ay tumutukoy din sa kapakanang panlipunan ng bawat panig o pangkat. Ang nararapat na katarungan  ay naibibigay kung mayroong maliwag na iisang kalipunan ng mga batas upang maging batayan para sa hustisya. Ang bawat desisyong ginagawa ng nasa awtoridad ay dapat na kakikitaan ng pagsunod natin sa mga alituntunin at programa na ginagawa nila.

Pagkakaroon ng Kapayapaan

Ang kapanatagan ng mamamayan ay madarama lamang kung iiral ang kabutihang panlahat. Ang kakulangan at kasaganaan ay mahusay na nababahagi at sinasalo ng mga nasa kalagayan bagaman mayroon siyang karapatang umiwas sa pananagutan. Ngunit dahil sa kapayapaan, nais ng isa na alisin sa kaniyang kapuwa ang anumang panganib, kahirapan o pagdurusa.

May pagkakaiba ba sa kabutihang panlahat at kabutihan sa nakararami? Basahin sa https://brainly.ph/question/129193.

Ano ang mga pagkakataon na nangingibabaw ang kabutihang panlahat? Basahin sa https://brainly.ph/question/156146 at sa https://brainly.ph/question/196164.