Ano ang kaibahan ng buod sa balangkas?
Mayroong pagkakahalintulad ang buod at balangkas, sa aspeto na ang dalawang ito ay nagbibigay ng pagtanaw sa kabuuan ng isang akda at iba pang pampanitikang bagay.
Ngunit, ang buod ay ang pinagsama-samang ideya na bumubuo sa isang buong akda. Sa buod ay makikita ang kabuuan ng akda, habang ang balangkas naman ay ang mga one-liner na ideya sa bawat parte ng isang akda. Hindi tulad ng buod na alam na ng isang mambabasa kung ano ang kanyang babasahin.
Sa Ingles, ang buod ay summary habang ang balangkas ay outline.