Paano ka magiging isang produktibong mamamayan? Magbigay ng limang halimbawa.. 

Sagot :

Maraming paraan upang maging produktibong mamamayan. Narito ang ilan sa mga ito:

1. Magkaroon ng sapat na tulog at nakakain nang maayos.

Mahalaga na may maayos tayo na pangangatawan upang makagawa at makapag-isip nang maayos. Kapag klarado ang ating isipan, mas makakapag-isip tayo ng mga paraan para mapagaan ang ating mga ginagawa.

2. Makilahok sa iba't ibang komunidad.

Sa pamamagitan nito, magkakaroon tayo ng kamalayan sa mga nagaganap sa ating kapaligiran at mga suliraning nararanasan nila. Mamumulat din tayo sa iba't ibang bagay, matututo at makakatulong sa kanila.

3. Gampanin ang tungkulin.

Bawat isa sa atin ay may tungkulin na mas mainam kung ito ay ating maisasakatuparan. Bilang estudyante, tungkulin nito na mag-aral nang mabuti. Bilang mamamayang Pilipino, tungkulin nating sundin ang batas at tumulong sa kapwa. Sa pamamagitan ng pagganap ng tungkulin, magiging maayos ang ating lipunan sapagkat nagaganap natin ang ating papel sa komunidad.

4. Gampanin ang karapatan.

Bilang isang malayang mamamayang Pilipino, tayo ay may mga karapatan na mas mainam na sinusunod sapagkat ito ay nakakatulong sa kapwa at sa bansa. Ang halimbawa nito ay ang karapatang bumoto. Ang pagboto ay sama-samang lakas ng mga mamamayan sa pagpili ng susunod na lider. Nagiging produktibong mamamayan tayo mula dito sapagkat tayo ay may ambag sa desisyong panlipunan.

5. Lumahok sa mga volunteer works.

Marami tayong mga kabababayan na nangangailangan ng tulog at bilang isang produktibong mamamayan, mas mainam na tulungan natin sila. Maraming mga grupo ang nag-oorganisa ng volunteer works kung saan pwede tayong makihalok. Ang halimbawa ng volunteer works na ito ay pagtuturo sa mga batang kalye, pagtulong sa home for the aged at pagtulong sa paglilinis ng mga basura.

Para sa karagdagang kaalaman:

https://brainly.ph/question/542656

https://brainly.ph/question/2137136

https://brainly.ph/question/516772