ano ang kahulugan ng sweldo???


Sagot :

Ang sweldo ay tumutukoy sa pinansyal na kabayarang nakukuha ng isang manggagawa bilang kabayaran sa kanyang pagtatrabaho. Maaring arawan, linguhan o buwanan ang sweldo ng isang manggagawa, depende sa pinagkasunduan at usapan ng may-ari ng kompanya. Sa Pilipinas ay may nakatakdang batayan ng halaga kung magkano ang nararapat na sweldo na matatanggap ng isang empleyado depende sa kanyang posisyon at katagalan sa kompanya. Bukod pa nito, meron ding natatanggap na karagdagang benepisyo ang mga manggagawa labas pa ito sa halagang natatanggap nila tuwing sahuran. Karapatan ng isang empleyado na makakuha ng sapat na sweldo na naayon sa ating batas. Mayroon din tayong tinatawag na 13th Month Pay na katumbas ng isang buwan na sweldo ng isang empleyado at maari itong makuha tuwing matatapos ang taon.

Sa karagdagang impormasyon:

https://brainly.ph/question/105602