ano po ang kahulugan ng salitang teheras, paanas, mapapakagat-labi,walang-imik,abaloryo,pupitre,pambubuska , pagyayabang?

Sagot :

Teheras o tiheras ay tumutukoy sa uri ng higaan na maaaring itiklop at maaaring madalas sa iba’t ibang lugar.

 

Ang paanas naman ay tumutukoy sa paraan ng mahihinang pagsasalita ng isang tao o nangangahulugan na pabulong.

 

Mapapakagat-labi ang pagtukoy sa ginagawa ng isang tao sa panahon ng pagkatakot, pagkatuwa, o pagkagusto.

 

Walang-imik ay literal na tumutukoy sa pagtahimik at pagka-walang kibo ng isang tao.

 

Abaloryo ay isang babasaging ornamento o beads sa Ingles.

 

Pupitre naman ang salitang hiram na ginagamit upang tumukoy sa upuan na pang-iskwela.

 

Pambubuska naman ang Tagalog na kataga na tumutukoy sa pang-aalipusta o pang-iinis ng isang tao.

 

Ang pagyayabang ay tumutukoy sa gawain ng isang taong hambog.