Ang sukat ay tumutukoy sa bilang ng mga pantig sa bawat taludtod ng isang tula. May iba't ibang uri ng sukat ang mga tula. Mayroong mga may sukat na labing anim at mayroon naman iba na ang sukat ay labing walo.
Ang tugma naman ay ang pagkakapareho ng tunog ng bawat dulo ng mga taludtod sa isang tula. Ito ay ginagawa upang maging mas makata at kaaya-ayang pakinggan ang isang tula.