Sagot :
Mga 20 na Halimbawa ng Pangungusap na may Simuno at Panaguri
Para makabuo ng pangungusap, ang pangungusap ay binubuo ng simuno at panaguri. Ang simuno ay ang paksa o tinutukoy sa pangungusap habang ang panaguri ay ang bahagi ng pangungusap na naglalarawan o tumutukoy tungkol sa paksa.
Mga Halimbawa:
Pansinin na ang simuno ng pangugusap ay naka bold na letra habang ang panaguri ng pangungusap ay may salungguhit.
- Si Anton ay mabilis tumakbo.
- Lumundag sa bintana ang pusang itim.
- Hindi mahanap ang nawawalang bata na si Luna.
- Sina Anton at Arthur ay tunay na magkapatid.
- Ang ulan ay kailangan ng magsasaka.
- Masayang naglalaro sa ilog ang mga bata.
- Luhaan na bumalik si Mang Karding.
- Ang bagyo ay isa sa mga problema ng bansa.
- Pasko ang pinakahihintay ng lahat.
- Walang dalang regalo si Abel.
- Hindi dumalo sa piging ang mag-anak.
- Hindi makauwi si Igme.
- Ang aso ay kaibigan ng mga tao.
- Siya lamang ang naiiba sa lahat.
- Bumalik sa nayon ang unggoy.
- Sa gubat nakatira si Alfonso.
- Bigas ang pangunahing pagkain sa Asya.
- Hindi na makapagsalita si Ester.
- Madalas magtalo ang mag-asawa.
- Ako ang dahilan ng kaguluhan.
Magbigay ng limang pangungusap na may simuno at panaguri https://brainly.ph/question/313016
10 pangungusap na may simuno at panaguri https://brainly.ph/question/128465
#BetterWithBrainly