Sagot :
Answer:
Ano ang layunin ng Paaralan, Simbahan, Pamilya , Negosyo, at Pamahalaan sa Lipunan?
- Mga pangunahing institusyon ng ating lipunan ay ang mga sumusunod:
- Pamahalaan.
- Negosyo.
- Paaralan.
- Sibahan.
- Pamilya.
Explanation:
Malaki ang papel ng mga nabanggit na institusyon sa pagtupad ng kanilang mga tungklin sa lipunan. At narito naman ang kani kanilang mga layunin.
- Ang layunin ng pamahalaan ay ang pagpapanatili ng malawakang katahimikan at kaligtasan sa pamamagitan ng paglikha at pagpapatupad ng batas. Ang mga batas na ito ang nagsisilbing batayan ng mga mamamayan kung paano makibagay sa lipunan.
- Ang mga Negosyo ay nagsisilbing makina ng ekonomiya. Bagama’t walang ibang tunay layunin ang negosyo kundi ang magpalako ang kita, mayroon ito hindi sinasadyang positibong epekto sa lipunan. Gaya ng pagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan, pagtaas ng kalidad ng mga produkto, at iba pa. Ang epekto ng responsableng negosyo ay mayroong “organic” na paraan upang kumalat ang kaunlaran sa lipunan.
- Layunin ng mga Paaralan na maturuan ang mga estudyante ng mga nararapat na kaalaman gamit ang leksyon sa Agham, Matematika, Sining at iba pang paksa. Inaasahan na magiging daan ito sa magandang kinabukasan ng bawat kabataan sa lipunan.
- Ang mga turo ng Simbahan ay baon ng mga deboto nito upang isabuhay. Layunin ng Simbahan na makapagbigay ng paalala sa marami upang magisilbing gabay sa tamang pamumuhay ayon sa bilin kinikilalang diyos.
- Ang Pamilya ay ang pinaka ugat ng lipunan, ito ang pinagmumulan ng lahat. Mula dito ay hinuhubog ng mga magulang ang mga anak at nagiging batayan ng pakikitungo ng bawat mamamayan sa lipunan. Masasabi na ang pinaka layunin ng Pamilya ang siguruhing mayroong magandang kinabukasan ang mga bata habang puno ng pagmamahal ang pamilya.
I- click ang mga links para sa karagdagang impormasyon:
What is morality? Give the definition of morality. https://brainly.ph/question/314063
What is the meaning of congress? https://brainly.ph/question/478147
Halimbawa ng lipunan.
https://brainly.ph/question/1516290