Ano ang kahulugan ng Mapagkalinga


Sagot :

Ang salitang Mapagkalinga ay wikang Filipino na nangangahulugang pag-aalaga o may kalikip na pagintindi. Kadalasan itong ginagamit upang maglarawan ng isang masidhing pagnanais na magpakita ng malasakit. Narito ang ilan sa mga halimbawa:  

Unang sitwasyon:

Ang mga ilaw ng tahanan ay nagpapakita ng pagkalinga sa kanyang pamilya. Kadalasang nagiging kadugtong na ng pagmamahal ng isang ina ang pagkalinga niya sa kanyang buong mag-anak. Ang pagkalinga niya ay walang kapantay sapagkat buong pusong pagmamalasakit at pag-aalaga sa kanyang pamilya ang ipinaparamdam ng isang ina ng tahanan.  

Pangalawang sitwasyon:

Sa panahon ng mga kalamidad na dinaranas ng isang lugar o bansa, nakakaranas ang mga mamamayan nito ng pagkalinga mula sa pamahalaan at mga namumuno rito. Ang mga pinuno ng lugar ay gumagawa ng aksyon upang maprotektahan ang kanyang mga nasasakupan, ito ay isa lamang sa mga paraan ng pagpapakita ng pagkalinga ng gobyerno sa kanilang mga nasasakupang teritoryo.  

Pangatlong sitwasyon:  

Ginawa ng Diyos ang buong mundo sa loob lamang ng wala pang isang linggo. Binuo niya ang bawat detalye ng mundo gayundin ang buong kapaligiran at mga taong maninirahan. Siniguro ng Diyos na mabubuhay ng payapa at matiwasay ang unang dalawang nilalang na kanyang nililkha. Ito ay paraan ng Diyos upang iparamdam niyang mayroon siyang pagkalinga sa kanyang mga nilikha.

#LearnWithBrainly

Kahulugan ng pagkalinga sa wikang Ingles: https://brainly.ph/question/1051964