Ano ang kahulugan ng Dampa?


Sagot :

Kahulugan ng Dampa

Ang dampa ay kilala sa tawag na bahay kubo; ito ay yari sa kawayan at anahaw. Ito ang katutubong bahay ng mga Pilipino. Ang dampa ay sapat para sa klimang mayroon ang bansang Pilipinas; sapagkat napapanatili nito ang saktong temperatura tuwing tag-init o tag-ulan man ito.

Ang tahanang ito ng mga katutubong Pilipino ay maaaring ilipat ng buo sa kahit na anong lugar. Ang gawaing ito ay tinatawag na bayanihan na kung saan ang bawat magkakanayon ay sama-sama sa pagbubuhat at pagdadala ng bahay sa lugar na nais nitong lagyan. Ang katangian ng mga Pilipinong ito ay talagang kakikitaan ng mataas at nakamamanghang moralidad.

Sa paglipas ng panahon ang dampa’y napalitan na ng mga bahay na bato at mga gusali. Ito ay tanda ng pag-unlad ng kaisipan ng tao at ng isang bansa.

Mga dahilan kung bakit iilan na lamang ang may bahay na dampa

  • Ang dampa ay gawa sa kawayan at anahaw; ilan sa mga materyales na madaling pagmulan ng sunog.
  • Ito ay madaling itumba ng bagyo o ano mang uri  ng kalamidad

Sa panahon ngayon ang dampa ay makikita na lamang sa mga sakahan bilang pahingahan ng mga mag-sasaka. Ang ilan naman ay sa mga resort; ito ay nagsisilbing pahingahan ng mga taong nais maglibang. Ang primitibong istrukturang ito ay tanda ng kahusayan ng mga katutubong Pilipino na talagang maipagmamalaki sa buong mundo.  

Para sa karagdagang impormasyon maaaring magtungo dito:

https://brainly.ph/question/801737

https://brainly.ph/question/2621998

https://brainly.ph/question/83385

#LearnWithBrainly