magbigay ng sampung halimbawa ng eupimistikong pahayag sa pilipino



Sagot :

Answer:

Eupemistikong Pahayag

Ang eupemistikong pahayag kung tawagin sa Ingles ay euphemism na ang ibig sabihin ay mga salita na badyang pampalubag loob o pampalumay upang ito ay hindi masamang pakinggan o basahin.  Kadalasan ito ay ipinapalit sa mga matatalim o masyadong bulgar o malaswang mga salita.

Ang mga salitang ito ay ginagamit rin upang mapagaan at hindi makasakit ng damdamin ng taong kausap o nakikinig sa realidad ng buhay natin. Ginagamit ito upang hindi lubos na masaktan ang isang tao.

Sampung (10) Halimbawa Ng Eupemistikong Pahayag

  1. Namatay – binawian ng buhay
  2. Hinimatay -  nawalan ng malay ang isang tao
  3. Hikahos sa Buhay -  mahirap
  4. Magulang - maraya
  5. Lumulusog - tumataba
  6. Balingkinitan - payat
  7. Tinatawag ng Kalikasan - nadudumi
  8. Sumakabilang Bahay - kabit
  9. Kasambahay - katulong
  10. Mapili - maarte o pihikan

Iba pang Halimbawa Ng Eupemistikong Pahayag

  • Malikot ang isip- masyadong maraming imahinasyon
  • May amoy - mabuhay
  • Ibaon sa hukay - kalimutan na
  • Balat sibuyas -pikon, sensitibo, madaling mapaiyak
  • Butas ang bulsa - wala ng Pera
  • Halang ang bituka - masamang tao
  • Mabilis/makati ang kamay - magnanakaw

Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa link na:

Iba pang Halimbawa ng Eupemismong Pahayag: brainly.ph/question/367940

#BetterWithBrainly