ano ang kahulugan ng pantas


Sagot :

Answer:

Ang salitang pantas at isang pangngalan na nangangahulugang paham, marunong, dalubhasa,o eksperto. Ginagamit ang salitang pantas upang tukuyin ang isang tao na dalubhasa, may malalim na kaalaman at karanasan sa isang bagay, na kadalasan ay sa linya ng akademya at mga aral ng buhay. Ang pantas ay kinikilala at ginagalang ng mga mamamayan.

Explanation:

Alamin ang kahulugan ng pangngalan: https://brainly.ph/question/796529

Mga salitang Kasing-kahulugan ng pantas

  • matalino
  • may-alam
  • marunong
  • dalubhasa

Mga salitang Kasalungat ng pantas

  • walang alam
  • mangmang

Narito ang talasalitaan ng pantas: https://brainly.ph/question/340483

Pangungusap gamit ang pantas

  1. Dumating na si Hesus, ang dakilang guro at pantas na magliligtas sa sangsinukob .
  2. Hindi ko akalain na si Jose ay ginugol ang maraming taon sa pag-aaral at ngayon ay kinikilala na bilang isang pantas!

Basahin ang iba pang pangungusap gamit ang salitang pantas: https://brainly.ph/question/337764