sa Luzon
Mangyan - Naninirahan sa mga liblib na pook ng Mindoro ang mga Mangyan.
Ifugao - Sa gitnang bahagi ng hilagang Luzon ang tirahan ng mga Ifugao.
Kalinga - Matatagpuan ang mga Kalinga sa pinakahilagang bahagi ng Luzon.
Itawes - Matatagpuan ang mga Itawis sa timog-kanlurang bahagi ng Cagayan.
Kankan-ey - Ang mga Kankana-ey ang pangatlo sa pinakamalaking pangkat sa bulubunduking lalawigan ng hilagang Luzon.
Ilonggo - Nangangahulugan na "mula sa gubat" ang pangalang Ilongot, ang pangkat na matatagpuan sa kagubatan ng Isabela at Nueva Vizcaya.
Ibaloy - Ang mga Ibaloy ay matatagpuan sa mga munisipalidad ng Kabayan, Bokod, Sablan, Tublay, La Trinidad, Itogon, Benguet at Tuba sa timog-silangan ng Benguet.
Isneg - Kilala rin sa tawag na Apayao o Ina-gang mga Isneg na matatagpuan sa Kalinga at Apayao. Karaniwan na sa matatarik na dalisdis at mabababang burol na malapit sa mga ilog nagtatatag ng pamayanan ang mga Isneg.
Ivatan - Mga mamamayan ng Batanes ang mga Ivatan. Relihiyoso, masisipag, matitiyaga, magagalang at mapagkakatiwalaan ang mga Ivatan. (tingnan ang iba pang pangkat etniko sa Visayas at Mindanao dito https://brainly.ph/question/63194)