Ano ang sibilisasyon sa indus(timog asya)?​

Sagot :

SIBILISASYON

Isang malapad na peninsula na pormang tatsulok ang rehiyon ng Timog Asya. Saklaw nito ang lupain ng India, Pakistan, Bangladesh, Afghanistan, Bhutan, Sri Lanka, Nepal, at Maldives sa ngayon.

Ang kalagayang heograpikal at kultural ay naiiba kung ikukumpara sa ibang lugar ng Asya. Dahil ibinukod ito ng mga bundok, kaya masasabing ito ay isang malaking dibisyon na lupain. Sa hilaga ay makikita ang mga dalusdos na kabundukan tulad ng Hindu Kush, Himalayas at Karakuran habang napaliligiran ito ng Arabian Sea sa kanluran, Indian Ocean sa timog, at sa silangan ay Bay of Bengal. Iba't iba ang lengguwaheng mayroon dito, kagaya ng ibang kontinente.

Dumanas pa rin ng mga pag-atake at migrasyon ng taga-labas ang lugar na ito kahit na ito ay ibinukod ng maraming bundok. Umunlad at yumabong ang mga lengguwahe at kaugaliang Indian noong napasok ito ng mga dayuhan na lumusot sa Khyber Pass sa hilagang-kanluran.

#BrainlyFast