ano ang pinagkaiba ng alamat sa kwentong bayan

Sagot :

Ang kuwentong-bayan o folklore ay mga kwento at salaysay na hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhang kumakatawan sa mga uri ng mamamayan. 

Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. 

Halimbawa: "Ang Munting Ibon" ng mga Maranao

Samantalang ang alamat o legend naman ay isang uri ng kwentong bayan at panitikan na nagkukuwento ukol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.

Halimbawa: "Ang Alamat ng Makiling"