ibig sabihin ng basang sisiw, kapit sa patalim at hugus kandila

Sagot :

Ang idyoma ay mga pananalita na di- tuwirang nagbibigay ng kahulugan. Upang maunawaan ang isang idyoma, kailangan ay tingnan ang kabuuuan ng sinasabi. Ang kahulugan nito ay galing sa karanasan ng tao. Maaari itong pangyayari sa buhay o mga bagay- bagay sa ating paligid. Ang  idyoma ay nagpapakita ng yaman ng isang wika.

Halimbawa ng Idyoma

Ito ang ilang halimbawa ng idyoma at kahulugan nito:

  1. Basang sisiw- buhay na mahirap at kaawa awa
  2. Kapit sa patalim- gumagawa ng masama upang makaraos sa buhay
  3. Hugis kandila- daliring maganda ang hugis at makinis.

Pangungusap na may Idyoma

Ang mga sumusunod na pangungusap ay ginagamitan ng idyoma:

  • Natanggal sa trabaho ang aking ama kaya naging para kaming basang sisiw.
  • Kapit sa patalim ang pamumuhay ngayong pandemya.
  • Humanga ako sa hugis kandila niyang mga daliri.

Karagdagang kaalaman:

Halimbawa ng idyoma: https://brainly.ph/question/352982

#LearnWithBrainly