Rhuselcervantes05viz Rhuselcervantes05viz Edukasyon sa Pagpapakatao Answered 1.Ayon kay Dr. Manuel Dy, isang propesor ng Pilosopiya sa Ateneo de Manial University, binubuo ng tao ang lipunan at binubuo ng lipunan ang tao. Ito ay nangangahulugang:a. Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan at hinuhubog ng lipunan ang mga tao b. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kaniyang pagsilang ay nariyan na ang pamilyang nag-aaruga sa kaniya; binubuo ng lipunan ang tao dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito.c. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang kanilang mg kontribusyon ang nagpapalago at nagpapatakbo dito; binubuo ng lipunan ang tao dahil ang lipunan ang nagbubuklod sa lahat ng tao.d. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aruga sa tao at dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito; binubuo ng lipunan ang tao dahil sa lipunan makakamit ang kaniyang kaganapan ng pagkatao. 2. Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa: a. Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangadb. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba c. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi para sa pagkamit nitod. Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan. 3. Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad? a. Sa lipunan, ang nangingibabaw ay ang iisang tunguhin o layunin samantalang sa komunidad ang mahalaga ay ang pagkakabukod-tangi ng mga kabilang nito. b. Sa lipunan, ang pangkat ng mga tao ay may nagkakaisang interes, mithiin at pagpapahalaga samatalang sa komunidad, ang namumuno ang nagbibigay ng direksiyon sa mga taong kasapi nito. c. Sa lipunan, ang namumuno ay inatasan ng mga mamamayan na kamtin ang mithiin ng mga kasapi nito samantalang sa komunidad, ang mga tao ang nararapat na manaig sa pagkamit ng kanilang mga mithiin. d. Sa lipunan, mas malaking pamahalaan ang nakasasakop samantalang sa komunidad ay mas maliit na pamahalaan. 4. Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay: a. Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay b. Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapwa c. Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na makapag-isad. Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan 5. Ang mga sumusunod ay elemento ng kabutihang panlahat maliban sa: a. Kapayapaan b. Katiwasayan c. Paggalang sa indibidwal na tao d. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat 6. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa.” Ang mga katagang ito ay winika ni:a. Aristotle b. St. Thomas Aquinas c. John F. Kennedy d. Bill Clinton 7. Ano ang tunay na layunin ng lipunan? a. kapayapaan b. kabutihang panlahatc. katiwasayan d. kasaganaan 8. Ano ang kabutihang panlahat? a. Kabutihan ng lahat ng tao b. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan c. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunand. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito 9. Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat indibidwal. Ang pangungusap ay:a. Tama, dahil sa pagkakataon na ganito lamang matitiyak na makakamit ang tunay na layunin ng lipunan b. Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning itinalaga ng lipunanc. Mali, dahil may natatanging katangian at pangangailangan ang bawat isang indibidwald. Mali, dahil ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na nagtatakda ng mga layunin 10. Kalayaan at pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig sa lipunan. Ang pangungusap ay:a. Tama, dahil ito ang mahalaga upang mangibabaw ang paggalang sa mga karapatan ng tao b. Tama, dahil ito ay inilaan na makamit ng tao sa lipunan ayon sa Likas na Batas c. Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihang panlahat at sa pagkakapantay-pantay, masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal d. Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal at sa pagkakapantay-pantay, masasakripisyo ang kabutihang panlahat