Answer:
KAIBIGAN AT KARANASAN
Ako ay nakatira sa isang munting isla,
Kasama ang kaibigan, sa dagat kami ay nagsasaya.
Talon dito, langoy doon,
Hindi namin alintana ang init ng araw sa maghapon.
Ilang beses na siyang nagkaroon ng sunog sa balat,
Tinatanong ko kung kailan kami uuwi, ngunit hindi siya nagpapaawat.
Kung ano-ano na lang ang aming ginagawa minsa'y napapagabi,
Naghahanap ng lamang dagat tulad ng sea urchin at kabibi.
Kailanman ay hindi nila kami mapaghihiwalay,
Gaanuman karami ang aming pinagdadaanan sa buhay.
Bawat kasiyahan at kalungkutan, andiyan ang aking kaibigan.
Anuman ang di pagkakaintindihan ay aming pinag-uusapan.
Ito ang aking karanasan,
Naging masaya simula ng magkaroon ng kaibigan.
Doon sa dagat ang aming tagpuan,
Umaraw man o umulan.