Sangay ng Agham Panlipunan na nag aaral sa mga katangian ng ibabaw ng Daigdig..??

Sagot :

Answer:

Agham Panlipunan

Ang Agham Panlipunan ay isang sangay ng Agham na siyang nag aaral sa ugnayan ng tao at mundo. Iba ito sa mga pag aaral na mayroon ang ibang disiplina sapagkat ito ay ginagamitan ng mga konsepto ng Agham sa pag aaral. Gumagawa ng mga pag aaral, obserbasyon ng tao at sa tao, at sinusundan ang mga pamantayan na mayroon ang Agham.

Heograpiya

Ang Heograpiya ay sangay ng Agham Panlipunan na nag aaral sa mga katangian ng ibabaw ng Daigdig. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na "geographia" na nangangahulugan na paglalarawan sa daigdig.

Ang Heograpiya ay isang sangay ng Agham na nag aaral sa mga pisikal na katangian ng mundo, kabilang na ang mga lupain, karagatan, mga pangyayari, at maging ang mga nilalang na nanirahan at patuloy na naninirahan sa daigdig.

Ito ay unang ginamit ng Griyego na si Eratosthenes, na tinagurian ding "Ama ng Heograpiya". Ang Heograpiya ay sinusubukang bigyang paliwanag ang mga pangyayari sa Daigdig at ang mga dahilan sa likod nito. Nag aaral ito ng kasaysayang ng mundo. Bukod dito, pinag aaralan din nito ang mga natural na yaman na makikita sa mundo

Mayroong dalawa pang sangay ang Heograpiya. Ito ay ang mga sumusunod:

  1. Heograpiyang Pantao
  2. Heograpiyang Pisikal

Heograpiyang Pantao

Ito ay nag aaral sa ugnayan ng tao sa mundo. Nakapaloob dito ang konsepto ng kanilang mga naging pamayanan, uri ng pamumuhay, ekonomiya, ugnayan sa kalikasan, kalingan, at maging ng kanilang kasaysayan at ekonomiya.

Heograpiyang Pisikal

Ang Heograpiyang Pisikal ay pinatutuunan ng higit na pansin ang pag aaral sa pisikal na aspeto ng mundo. Maaaring ito ay ang pag aaral sa mga disenyo, proseso, at kasaysayan ng mga likas na bagay na nakikita sa daigdig tulad ng:

  • Atmosphere
  • Biosphere
  • Hydrosphere

Sumangguni sa sumusunod na links para sa karagdagang kaalaman ukol sa:

Kahulugan ng Agham Panlipunan

https://brainly.ph/question/1545890

Disiplina ng Agham Panlipunan

https://brainly.ph/question/2216833

Kahulugan ng Heograpiya

https://brainly.ph/question/126990