Sagot :
Answer:
Kahulugan ng Hulapi
Ang hulapi ay isang uri ng panlapi na matatagpuan sa huli ng salitang ugat. Ang karaniwang ginagamit na hulapi ay -an, -han, -in, -hin.
Halimbawa:
- kaligayahan
- talaan
- batuhan
- sayawan
- awitan
- sulatan
- aralin
- palitan
- basahin
- pinagsabihan
- sabihin
- punahin
- habulin
- takbuhin
Panlapi
Ang panlapi ay mga salitang idinudugtong sa salitang-ugat upang makabuo ng bagong salita.
Iba pang Uri ng Panlapi
1. Unlapi
Ang unlapi ay matatagpuan at idinudugtong sa unahan ng salitang-ugat. Ang mga madalas ginagamit na mga unlapi ay ma-, ,mag-, na-, nag-, pag-, pala-, at iba pa.
Halimbawa:
- magtanim
- magsaka
- mahusay
- nagbasa
- nagsayaw
- palaaway
- palabati
- pagkabigat
- makatao
- nahulog
- palabiro
2. Gitlapi
Ang gitlapi ay ginagamit sa gitna ng salitang-ugat. Ang mga madalas ginagamit na mga gitlapi ay -um-, at -in-
Halimbawa:
- pinasok
- pinalitan
- tinalon
- lumakad
- pumunta
- gumagamit
- tumakbo
- umayaw
- binasa
- sumamba
- sumimba
- sinagot
Salitang-Ugat
Ang salitang-ugat ay isang salita na walang dagdag, samakatuwid, ito ay salitang buo ang kilos.
Halimbawa:
- amoy
- alis
- sulit
- hango
- tango
- takbo
- bango
- luto
- sayaw
- awit
- bigat
- bilis
- bitin
- suot
- tinig
- himig
- hayag
- lakad
- talon
- kaway
- bihis
- palit
- damot
- tulog
- gising
- kain
- hulog
- basa
- laki
- liit
- ganda
- bait
- buti
- taba
- payat
- bata
- tanda
- ibig
- sulat
- tula
- tubig
- apoy
- init
- lamig
- sagot
- ligo
Para sa karagdagan pang kaalaman ukol sa salitang-ugat at panlapi, magtungo sa link na:
brainly.ph/question/213564
#LetsStudy