1. Magkaiba man ng katawagan, ngunit nagmula naman sa iisang Maylikha A. Tama, dahil tayo ay mga Pilipino na iisang lahi. B. Tama, dahil iisa ang maylikha ng lahat. C. Tama, dahil sa bayaning nagbuwis ng kanilang buhay. D. Tama, dahil tayo ay nasa iisang bansa. 2. Walang maidudulot na tama ang kadamutan. A. Tama, dahil ito ay maling gawi. B. Tama, dahil pwedeng patawarin ang madamot. C. Mali, dahil hindi pwedeng magbago ang madamot. D. Mali, dahil kapag madamot hindi nakapag-iisip ng tama. 3. Bago pa man dumating ang mga Kastila may sarili ng sibilisasyon ang Pilipinas. A. Tama, dahil pinatutunayan ito ng mga sinaunang paraan ng pagsulat at pamahalaan. B. Tama, dahil may panitikan na nakasulat sa mga aklat. C. Mali, umasa lang tayo sa tradisyong bitbit ng mga kastila. D. Mali, dahil sila mismo ang bumuo ng sibilisadong mga Pilipino. 4. "Hindi ko na matiis ang pakikitungo mo sa akin. Alam ko na ang ginagawa mong panloloko sa akin. Payag na ako sa dati mo pang sinasabing pakikipaghiwalay sa akin," pahayag ni Lokes a Babay. Ano ang mahihinuhang kalagayan ng mga kababaihan sa kanilang lipunan? A. Makapangyarihan ang mga lalaki sa tahanan. B. Makapangyarihan ang mga babae sa lipunan. C. May kapangyarihan ang mga lalaking makipaghiwalay. D. May kakayahan ang mga babaeng ipagtanggol ang sarili. 5. "Alam kong niloloko mo lang ako, pero hindi kita papatulan," naibulong ni Lokes a Babay sa sarili nang matuklasang niloko siya ng asawa nang pagpalitin ni Lokes a Mama ang hayop na nahuli ng kanilang bitag. Anong pag-uugali ni Lokes a Babay ang mahihinuha rito? A. Siya ay mapagbigay. B. Mapagmahal na asawa. C. Mahaba ang kaniyang pasensya. D. Mapagpatawad sa kaniyang asawa.​

Sagot :

1. Magkaiba man ng katawagan, ngunit nagmula naman sa iisang Maylikha

»»D. Tama, dahil tayo ay nasa iisang bansa.««

2. Walang maidudulot na tama ang kadamutan.

»»A. Tama, dahil ito ay maling gawi««

3. Bago pa man dumating ang mga Kastila may sarili ng sibilisasyon ang Pilipinas

»» A. Tama, dahil pinatutunayan ito ng mga sinaunang paraan ng pagsulat at pamahalaan ««

4. "Hindi ko na matiis ang pakikitungo mo sa akin. Alam ko na ang ginagawa mong panloloko sa akin. Payag na ako sa dati mo pang sinasabing pakikipaghiwalay sa akin," pahayag ni Lokes a Babay. Ano ang mahihinuhang kalagayan ng mga kababaihan sa kanilang lipunan?

»» D. May kakayahan ang mga babaeng ipagtanggol ang sarili. ««

5. "Alam kong niloloko mo lang ako, pero hindi kita papatulan," naibulong ni Lokes a Babay sa sarili nang matuklasang niloko siya ng asawa nang pagpalitin ni Lokes a Mama ang hayop na nahuli ng kanilang bitag. Anong pag-uugali ni Lokes a Babay ang mahihinuha rito?

»» A. Siya ay mapagbigay ««

(: