GAWAIN 4. Pag-unawa sa Binasa Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot. 1. llarawan ang mga tauhan sa binasang pabula. Gayahin ang kasunod na pormat sa sagutang papel. Ardilya Leon Matandang Aso 2. Anong mahalagang kaisipan ang nakapaloob sa sinabi ng matandang aso sa ardilya na, "matanda na ako at maraming karanasan"? 3. Ano ang naging pananaw at saloobin mo sa naging kilos, galaw o pananalita ng mga tauhan sa akda? Karapat-dapat o di karapat-dapat ba ang paggamit ng hayop bilang tauhan sa pabula? Pangatuwiranan. 4. Manood at magsalaysay ng isang animation. Pagkatapos, maglarawan ng isang kakilala na may pagkakatulad sa karakter ng isang tauhan sa napanood. Gamitin ang pormat sa pagsagot. Gawin sa sagutang papel. Pangyayari Katangian ng Kakilala Katangian ng Tauhan sa Animation 5. Anong mahalagang kaisipan ang ipinakita ng tauhan sa akda at ng isinalaysay sa animation?​