Sagot :
Answer:
Ang Formula ng Arithmetic sequence ay [tex]a_n=a_1+(n-1)d[/tex]
Para sa Item #1,
-4,-1,2,5 | 1000th
Nais natin malaman ang 1000th term ibig sabihin ay n=1000, Ngayon ay may n na tayo.
[tex]a_{1000}=a_1+(1000-1)d[/tex]
Ang [tex]a_1[/tex] o ang Unang term sa problem ay -4, palitan ang value ng [tex]a_1[/tex]
[tex]a_{1000}=-4+(1000-1)d[/tex]
Upang malaman ang difference ay alamin natin kung may pattern sa pamamagitan ng pagbawas ng 2nd term sa 1st term o [tex]d=a_2-a_1[/tex] at iberipika sa 3rd term at 2nd term.
[tex]d= -1 - (-4) \\d= -1 +4\\d= 3\\\\\text{Siguraduhin lamang na icheck sa iba pang term kung tama ang nakuhang difference tulad nito :}\\-1+3 =2 \checkmark\\[/tex]
Ngayon ay nalaman na natin ang difference ay isusubstitute natin ito sa formula.
[tex]a_{1000}=-4+(1000-1)3[/tex]
Ngayon ay maaari na natin itong i-solve ito
Unahin ang nasa parenthesis:
[tex]a_{1000}=-4+(999)3[/tex]
Sumunod ang multiplication:
[tex]a_{1000}=-4+2997[/tex]
at panghuli ay addition at ang sagot sa unang tanong:
[tex]\boxed{a_{1000}=2993}[/tex]
Pabatid sa mga Mambabasa: Nais ko lamang ipabatid na hindi ko maaaring sagutan ang buong aktibidad sa kadahilanang ito ay isang takdang-aralin ngunit aking ipapakita ang proseso ng pagsolve nito. Bilang isang Pre-Service Teacher ay kailangan ng isang estudyante na matuturo sa kanilang sariling kakayanan at bahagi ng kanilang pagkatuto. Salamat