Explanation:
Napakalaking kahalagahan ang naidudulot ng pagsusulat sapagkat sa pamamagitan ng pagsusulat ay maisasariwa at mapapakinabangan pa ng mga susunod na henerasyon ang kasaysayan, at iba pang mahahalagang pangyayari sa ating bansa o sa lupang ating kinanaroroonan. Ito rin ay sumisimbolo at nagpapatunay na naganap ang mga bagay- bagay. Sa pamamagitan ng mga nasulat na tala ay natututuhan natin ang mga kasaysayan ng ating mga ninuno. Dahil na rin sa pagsusulat nakakalikha tayo ng mga bagay na nakakatulong sa pagunlad, pagbabago at paglusong o pagusbong ng bago at modernong mundo.
Mahalaga ang pagsulat dahil maari nating maipahayag ang ating saloobin at damdamin sa pamamagitan ng makrong pagsulat katulad ng pagsulat ng love letter o liham pangkaibigan. At maituturing din natin na isang halimbawa ang pagsusulat gamit ang isang uri ng telepono ang cellular phones “cellphone” na ngbibigay communication gamit ang mga sulat sa ibat ibang bahagi ng ating mundo at sa ibat ibang tao. Mahalaga ang pagsususlat sapagkat sa pamamagitan nito, ang mga tao sa ibat ibang lugar at sa ibat ibang panahon ay nagkakalapit, nagkakaunawaan at nagkakaisa. Ang aspeto ng ating kultura ay napapanatiling buhay sa pamamagitan nito.