Mga bahagi Ng pananalita

Sagot :

Answer:

1. PANGNGALAN - Ito ay salitang

tinutukoy ang ngalan ng tao, bagay, pook, hayop o pangyayari.

2. PANGHALIP - Ito ay bahagi ng

pananalita na inihahali o ipinapalit sa pangngalan upang mabawasan ang paulit-ulit na pagbanggit sa pangngalan na hindi magandang pakinggan.

3. PANDIWA - Ito ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.

4. PANGATNIG - Ito ay ang mga salita o lipon ng mga salita at kataga na ginagamit sa pag-uugnay ng isang salita sa kapwa salita, ng isang parirala sa kapwa parirala, o ng isang pangungusap sa kapwa pangungusap.

5. PANG UKOL - Ito ay bahagi ng

pananalitang nag-uugnay sa pangngalan, panghalip, pandiwa at pang-abay na pinag-uukulan ng kilos, gawa, ari, balak o layon.

6. PANG-ANGKOP -Ito ay mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na salita sa pangungusap upang maging madulas o magaan ang pagbigkas ng mga ito. Ginagamit din ang pang angkop upang pag-ugnayin ang mga panuring at ang mga salitang binibigyang turing nito.