IDAAN SA HUGOT! Kumatha ng isang #hugot na magpapakita ng iyong pananaw ukol sa kahalagahan ng pagsusuri ng pinagmulan ng isang isyu. Gawing makulay ngunit malinis ang #hugot. Gamitin ang rubrik sa ibaba.



pls lang yung matino sana​


Sagot :

Ang mga hugot ay ang malikhaing pagbibigay ng pahayag upang umani ng atensyon at mas maging ka-akit akit sa isipan. Ito ay bunga ng malikot na kaisipan mula sa karanasan, pagkasawi, tagumpay, o inspirasyon.

Narito ang ilan sa mga kinathang hugot na nagpapakita ng pananaw tungkol sa kahalagahan ng pagsusuri ng pinagmulan ng isang isyu. Naka-attach din ibaba ang ga halimbawa ng printang gawa para sa mga hugot.

Unang hugot:

                           Ang pandemya, para lang yang problema!  

                                                 May dahilan,  

                                               may kasagutan

                                               may solusyon

                                      pero lahat nalalagpasan.

Paliwanag sa unang hugot:

Sa nagdaang pagsubok sa buhay natin, Sinukat ang ating kakayahan at lakas na lumaban sa suliranin. Ang pandemya ang siyang nagpabago sa ating  buhay. Bumago sa mga nakasanayan na nagbigay pasanin at hirap sa bawat pamilya at indibidwal. Ngunit, ang mahalaga ay mayroon tayong lakas ng loob na lumaban at magpatuloy sa ating buhay. Hindi rason ang pandemya upang tayo ay tumigil at sumuko sa buhay. Gawin natin itong hamon na susubok at nagpapalakas sa ating pagkatao. Hindi man pandemya ang iyong naranasan, problema man yan, lagi mong isipin na may dahilan at kakayahan kang malampasan ang pagsubok na yan. Ikaw ang magpasya sa iyong buhay at huwag kalimutan na humingi  ng gabay sa Maykapal ng buong puso at pasasalamat.

Ikalawang Hugot:

                                   Ang pagiging masipag  ay susi

                                 tungo sa pag- alpas sa pangarap

Paliwanag sa ikalawang hugot:

Ang taong masipag sa bawat bagay at sitwasyon at na may pusong kayang ipaglaban ang pangarap sa buhay ay siya ring nagtatagumpay sa. Bilang kabataan, labanan natin ang kahirapan at magkaroon ng magandang kinabukasan. Tayo ay magkaroon dapat ng pusong masipag at kayang harapin ang mga balakid. Dahil hindi magiging makabuluhan ang ating buhay kung tayo ay uupo lamang. Kailangan nating magsumikap upang tayo ay magtamo ng magandang hinaharap.

Kung nais ong magbasa ng karagdagang impormasyon tungkol sa hugot sa buhay, maaari kang magtungo sa link na ito:

https://brainly.ph/question/9100041?

#SPJ5

View image Zelrein
View image Zelrein