Alam mo ba na... ang kuwentong-bayan ay mga salaysay na likhang-isip lamang. Lumaganap at nagpasalin-salin ang mga ito sa iba't ibang henerasyon sa pamamagitan ng pasalindila (paraan na pagkukuwentong pasalita). Isa sa mahalagang elemento ng kuwentong-bayan ang tauhan. Sila ang gumaganap ng mahahalagang karakter. May dalawang uri ang tauhan: Ang tauhang lapad (flat character), na hindi nagbabago ang katauhan mula simula hanggang sa magwakas ang kuwento at ang tauhang bilog (round character) naman na nagbabago ang katauhan mula sa simula hanggang sa wakas ng kuwento. Nauuri rin ang tauhan sa katangiang protagonista at antagonista. ang protagonista ang pangunahing tauhan sa isang akda. Sa kaniya akasentro ang mga pangyayari. Antagonista naman ang lumilikha ng kbang upang hindi magtagumpay ang pangunahing tauhan.​