Tayahin
Gawain 6: Tama o Mali
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag na naghahambing sa uri ng mga
karunungang-bayan sa ibaba. Tukuyin kung ito ay tama o mali. Isulat ang TAMA kung ang
paghahambing ay tama at MALI naman kung mali ang paghahambing nito. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.
1. Ang bugtong ay mukhang hindi totoo ang pinapaksa, subalit lagi namang
nakaugat ang sagot sa totoo at pamilyar na bagay na makikita sa
kapaligiran.
2. Ang salawikain at kasabihan ay kapwa mga paalala tungkol sa batas ng
mga kaugalian.
3. Ang kilos o ugali ay masasalamin sa bugtong at hindi sa kasabihan.
4. Ang bugtong at sawikain ay may sukat at may tugma.
5. ang salawikain ay nilulutas bilang isang palaisipan habang ang sawikain ay binabasa lamang.
6. ang bugtong at sawikain ay kapwa nakahahasa ng talino.
7. ang bugtong ay ginagamitan ng eupimistiko, tayutay, o idyomatikong pahayag at hindi ang sawikain
8. ang bugtong ay ginagamitan ng matalinghagang pahayag habang ang sawikain ay payak na mga salita lamang
9. ang salawikain at sawikain ay butil ng karunungang hango sa karanasan ng matanda
10. ang bugtong ay karaniwang patalinghaga samantala ang sawikain ay direktang isinasaad sa kaisipan