Ang araling ito ay makatutulong upang magkaroon ng kamalayan na ang Sining ay nasa ating paligid at ito ay nilikha ng iba't ibang tao. Matututuhan din sa modyul na ito ang mga linya, hugis, at tekstura na bumubuo sa mga bagay o nilikha bilang mga elemento ng sining. Pagkatapos ng araling ito, inaasahang masasabi na ang Sining ay nasa paligid at nilikha ng iba't ibang tao at makikilala ang iba't ibang linya, hugis, at tekstura na ginagamit ng mga artist sa pagguhit.