6. Paano natuklasan ng mga Español ang lihim ng Katipunan ?

A. Dumalo ang mga Español sa pagtitipon nito
B. May nagsiwalat sa mga gawain nito
C. Nag - alsa ang mga myembro nito
D. Namigay ito ng mga polyetos

7. Bakit napaaga ang pagsiklab ng himagsikan ?
A. Namatay si Jose Rizal
B. Natuklasan ang lihim ng kilusan
C. Nagkasundo - sundo ang mga pinuno nito
D. Nakapaghanda ng Mabuti ang kasapi nito

8. Ano ang ginawa ng mga Español sa mga nahuli nilang Katipunero ?
A. Pinalaya
B. Ikinulong at pinatay
C. Ipinadala sa España
D. Tinuruan at pinag - aral

9. Bakit hindi naging matagumpay ang paghihimagsik ng mga Pilipino laban sa mga Español ?
A. Wala itong mahusay na pinuno
B. Hindi malinaw ang layunin nito
C. Kulang sa pagkakaisa ang mga Pilipino
D. Kaunti ang bilang ng mga Pilipino noon

10. Alin sa mga sumusunod ang hindi layunin ng Katipunan ?
A. Makamit ang Kalayaan ng Pilipinas B. Pagkakaisa ng mga mamamayang Pilipino
C. Pagpapatupad sa mga layunin ng Kilusang Propaganda
D. Pagtatanggol sa mga mahina at maralitang mamamayan​