Iangkop Mo! A. Panuto: Basahin ang mga sitwasyong nasa ibaba na nangyayari sa totoong buhay sa kasalukuyan. Mula rito piliin ang pinakaangkop na kasabihan, salawikain o sawikain batay sa sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa hiwalay na sagutang papel. 1. Madalas kang tuksuhin ng iyong kamag-aral dahil salat ka sa pangangailangan pero puno ka naman sa pagmamahal ng iyong mga magulang. Ang pangyayaring ito sa iyong buhay ang iyong naging inspirasyon upang mag-aral nang mabuti. Mabilis na dumaan ang panahon at ikaw ay nakapagtapos ng pag-aaral. Ang dating tinutukso noon ay umunlad at nagkaroon na ng magandang buhay. A. Kapag may tiyaga, may nilaga. B. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo. C. Huwag mong sa gawin sa iba, ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo. D.Bago mo linisin ang dungis ng iba, linisin muna ang putik sa iyong mukha. 2. Hiniling ng matalik mong kaibigan na magsinungaling ka at sabihing kayo ang magkasama sa kaniyang panonood ng sine. Hindi ka pumayag kaya nagalit siya. Hindi ka niya kinibo nang mahabang panahon. Ipinagkibit- balikat mo na lang ang kaniyang ginawa. Dumating ang araw humingi siya ng tawad sa kanyang ginawa at naibalik ang inyong magandang pagkakaibigan. A. Ang tunay na kaibigan karamay kainlanman. B. Ang tunay na kaibigan, nasusubok sa kagipitan. C. Ang tunay na kaibigan ay karamay sa kasinungalingan. D. Ang mga hangal ay nagsisinungaling, ang mga matatalino ay nanatili sa katotohanan. 3. Ang mga frontliners sa panahon ng pandemyang Covid 19 ay taos-pusong naglilingkod hindi lamang sa ating komunidad at sa ating bansa. A. bukal sa loob. B. matalas na ulo C. makitid mag-isip D. malawak mag-isip 4. Sa kinahaharap nating iba't ibang isyu sa ating lipunan, hindi maaaring mag bingi-bingihan lamang tayo sa mga pangyayaring ito. Kailangan nating kumilos. A. taingang-kawali B. mahina ang loob C. bahag ang buntot D. matalas ang pandinig 5. Nag-apply sa trabaho si Arnel. Masyadong mahigpit ang pagtanggap ng bagong empleyado kaya nilapitan ni Arnel ang kakilala niyang tagamahala CO_Q1_Filipino 8_Module 1 11​