ano sa iyong palagay ang natutunan mo sa asignaturang pagsulat sa filipino sa piling aral​

Sagot :

Answer:

Tunay ngang napakahalaga ng asignaturang Filipino, akala ko noong una’y ang Filipino’y para lamang sa mga di pangakademikong papel at para lamang sa pakikipagkomunikasyon sa ating bansa ngunit ngayo’y napagtanto ko na may potensyal din ang wikang Filipino sa mga pangakademikong papel. Sa loob ng isang buong semestre, madami akong natutunan, Isa na dito ang paggawa ng mga pangakademikong papel tulad ng abstrak, sintesis, bionote, atbp. Hindi lamang ako natututo ng mga tungkol sa akademikong papel dahil nakaranas din akong gumawa ng tatlo sa mga ito at dito ko natutunan maging teknikal sa aking mga sinasabi sapagkat dapat may katotohanan ang iyong mga sinasabi upang ika’y makahikayat ng mga mambabasa. Nais kong magpasalamat sa aming guro sapagkat kahit napakaikli ng aming pagsasama ay naging higit na makabuluhan ang aming diskusyon.

Explanation: