Answer:
Ang mga bulubundukin ay nagsisilbing likas a tanggulan o depensa
ng isang lugar, at proteksiyon o harang sa malalakas na bagyo at
sigwa. Ang ilang mga disyerto, baybay-gilid, at kabundukan sa iba't
ibang bahagi ng Asya ay nagtataglay ng samu't saring yamang mineral
- mga metal, di-metal at gas. Sa mga bundok at gubat ay nakukuha
ang mga bungang-kahoy, mga herbal na gamot, at mga hilaw na
materyales, bukod sa panirahan ng mga hayop, lalo na ng wildlife. Ang
mga lawa at ilog ay ang siyang pinagkukunan ng tubig bilang inumin at
ginagamit sa pang araw-araw na gawain.